Mga Payo ni Inay

MGA PAYO NI INAY
(Mga Aral na minana kay Impong Trining)

  • Alalahanin mo ang mga taong ginamit ng Diyos para pagpalain ka; wag mong kalilimutan ang mga taong tumulong sayo sa panahong lugmok, nagugutom o naghihirap ka. Hindi mo man sila kayang pagpalain sa ngayon, isama mo sila sa panalangin.
  • Hindi masamang hingiin mo sa Diyos na pagpalain at payamanin ka Niya kung ito ay para masuklian mo ang kabutihan ng mga taong tumulong sayo.
  • Huwag kang magtatanim ng galit sa puso mo. Huwag mong naisin na makaganti sa mga taong nanakit, nanlait at humamak sa iyo. Ang Diyos ay matuwid at makatuwiran. Ipagkatiwala mo sa Kanya ang mga ganung tao.
  • Mas masarap mabuhay na walang dinadalang mabigat.

Seek justice, love mercy, walk humbly with your God. — Micah 6:8

Leave a comment